Sharon-ASAP copy

GOOD news para sa fans ni Sarah Geronimo na patuloy pa ring mapapanood sa telebisyon dahil hindi naman pala niya iiwan ang ASAP 20, sabi ng aming source.

The Voice Kids 3 lang daw ang tinanggihan ng singer/actress/TV host dahil nga kakain ito ng oras para sa plano niyang pagba-back-to-school.

Bukod sa ASAP 20, pagko-concert lang ang gustong gawin ni Sarah.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Samantala, hindi pa makumpirma ng aming source kung final na ang planong si Ms. Sharon Cuneta ang ipalit kay Sarah bilang isa sa mga voice coach ng Voice Kids 3 kasama nina Lea Salonga, Bamboo at Apl de Ap.

May apprehensions daw ang ilan sa production na baka hindi na maka-relate kay Megastar ang mga bata o ang younger audience dahil hindi na nila inabutan kumpara kay Sarah na mga bata ang bulto ng fans.

Kung sabagay, hindi nga kaya ang parents ng mga bagets ang mag-enjoy kapag si Sharon na ang isa sa voice coach dahil fan sila at sila mismo ang magsabi sa mga anak na si Mega ang piliin, ha-ha-ha.

Okay rin daw si Yeng Constantino bilang isa sa voice coach dahil produkto siya ng reality show at maraming hit songs, ang kaso, kokonti pa raw ang fan base niya say mismo ng source namin.

Pero ang dinig namin ay tila gusto uling kunin si Yeng bilang host kasama sina Luis Manzano at Robi Domingo.

Kaya abangan kung ano ang final decision kung si Sharon na nga. (REGGEE BONOAN)