BORACAY ISLAND – Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa pamunuan ng mga resort at iba pang establisimyento sa kilala sa buong mundo na Boracay Island sa Malay, Aklan, laban sa paggamit sa mga empleyado nito sa pamumulitika.

Ito ang naging babala ni Atty. Roberto Salazar, hepe ng Comelec-Aklan, matapos makatanggap ng mga ulat na inoobliga ang mga long-term employee ng mga resort na mula sa ibang lugar na magkaroon ng local residency status.

“Resorts requiring employees to have local residency is not considered illegal in terms of the Omnibus Election Code,” sabi ni Salazar, ngunit iginiit na magiging labag lang ito sa batas kung pipilitin ng pamunuan ng resort ang mga empleyado na iboto ang isang partikular na kandidato.

Batay sa datos ng Comelec-Aklan, may 33,813 botante sa Malay ang sumailalim sa biometric status noong Oktubre 2015.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kung ikukumpara, ang bilang ng mga botante sa Malay na walang biometrics data noong eleksiyon ng 2013 ay nasa 27, 268 lamang.

Sa 33,813 rehistradong botante, mahigit sa kalahati ang nagsaad na nakatira sila sa Boracay Island.

Kaugnay nito, hinihimok ng Comelec-Aklan ang mga empleyadong nakabase sa Boracay na maging mapagmatyag at mag-ulat sa Department of Labor and Employment (DoLE) ng anumang concerns nila. (Jun Aguirre)