Ang pagkakasentensiya ng korte kay dating Presidential Adviser on Environmental Concern Nereus “Neri” Acosta ay patunay na umiiral ang batas sa bansa.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda bilang reaksiyon sa pagpapataw ng Sandiganbayan Fourth Division ng 10 taong pagkakakulong kay Acosta, na kilalang kaalyado ni Pangulong Aquino sa Liberal Party; at sa ina ng opisyal na si Socorro Acosta, dating alkalde ng Manolo Fortich sa Bukidnon, dahil sa umano’y paglustay ng P5.5-milyon halaga ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund ni Neri.

“Under this administration, our democratic institutions have proven to perform their respective mandates,” ani Lacierda. “This is no different from the mandates responsibly exercised by COA (Commission on Audit), the Ombudsman or the Supreme Court.”

Tinukoy ng hukuman na binigyan ni Acosta ng pabor ang Bukidnon Vegetable Producers Cooperative (BVPC), na roon direktor at cooperator si Socorro.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Sinabi ng korte na ipinadaan ng noon ay kongresistang si Neri sa nasabing kooperatiba ang P5.5-milyon pondo na bahagi ng kanyang pork barrel fund noong 2002.

Si Acosta ay kasalukuyang general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA). (Genalyn D. Kabiling)