Ang halalan sa Mayo 2016 ang unang pagkakataon na ang mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) at mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) ay magkakaroon ng uniporme sa Election Day.

Ngunit para sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE), ang planong ito ng Comelec ay gastos lamang at hindi kinakailangan.

“20 million pesos for BEI shirts. 75 pesos each. Is this really necessary? Hello @COMELEC ,” puna ng LENTE sa kanilang Twitter account (@lente_ph).

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Unnecessary waste of Comelec resources. Divert money instead to additional per diem of BEIs,” sabi ng LENTE.

Ang mga public school teacher na magsisilbing BEI sa halalan sa Mayo 2016 ay nakatakdang tumanggap ng honorarium na P4,500 bawat isa.

Gayunman, ipinaliwanag ni Comelec Spokesman James Jimenez na layunin ng planong Election Day uniforms na maiangat ang dignidad ng mga nagsisilbi sa field.

“If you’re looking at making even the election workers aware of the dignity of what they are doing, then you’re also creating another frontline in the battle against election fraud,” aniya sa isang hiwalay na panayam.

Sinabi ni Jimenez na pinagbubuti rin nila ang voting experience.

“Sometimes it’s not enough to be satisfied with just surviving,” diin niya.

Nitong nakaraang linggo, naglabas ang Comelec–Bids and Awards Committee (BAC) ng Invitation to Bid para sa mga interesadong supplier ng 6,158 piraso ng kamiseta (Lot 2) at 277,527 piraso ng uniporme (Lot 1).

Sinabi ng poll body na ang Approved Budget for the Contract (ABC) para sa Lot 1 ay P20,814,525, na ang bawat kamiseta ay magkakahalaga ng P75 habang ang ABC para sa Lot 2 ay P1,231,600, na ang bawat kamiseta ay magkakahalaga ng P200. (LESLIE ANN AQUINO)