NAYPYITAW, Myanmar (AP) — Naupo bilang pangulo ng Myanmar si Htin Kyaw, ang pinagkakatiwalaang kaibigan ng Nobel laureate na si Aung San Suu Kyi, nitong Miyerkules.

Sa araw na puno ng seremonya at simbolismo, nanumpa si Htin Kyaw kasama ang dalawang vice president at 18-member Cabinet na kinabibilangan ni Suu Kyi sa hall of parliament habang nakasuot ng tradisyunal na kasuotan.

“The Union Parliament has elected me as president, which is a historic moment for this country,” sabi ni Htin Kyaw, 70, sa kanyang talumpati matapos manumpa. Nangako siyang ipupursige ang national reconciliation, kapayapaan sa magkakalabang etnikong grupo at iaangat ang kabuhayan ng 54 na milyong mamamayan ng bansa.

Si Suu Kyi ang tunay na may karapatan sa puwesto matapos pangunahan ang partidong National League for Democracy sa landslide na panalo sa halalan noong Nobyembre, nagbigay-daan sa unang civilian government ng Myanmar matapos ang 54 taon ng pamumunong militar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho