MONTREAL (Reuters) – Namatay si dating Canadian Cabinet minister Jean Lapierre sa plane crash nitong Martes na ikinasawi rin ng kanyang asawa at tatlong kapatid habang patungo sila sa lamay ng kanilang ama sa eastern Quebec.

Sinabi ng TVA network, kung saan nagtatrabaho si Lapierre bilang political commentator, na namatay ang lahat ng sakay ng twin-engined chartered aircraft ni Lapierre nang bumulusok ito dahil sa masamang panahon habang papalapag sa Magdalen Islands sa Gulf of Saint Lawrence.

Patungo si Lapierre, 59, sa Iles de la Madeleine para sa funeral ng kanyang 83-anyos na ama na namatay sa Parkinson’s disease noong nakaraang linggo, ayon sa TVA. Namatay rin ang asawa ni Lapierre, dalawa niyang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae, gayundin ang dalawang piloto.

Makikita sa mga larawan mula sa crash site ang nagkapira-pirasong Mitsubishi plane sa lupang nababalutan ng niyebe.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang popular at masayahing si Lapierre, ay nagsilbing transport minister sa gobyerno ni Prime Minister Paul Martin mula Hulyo 2004 hanggang Pebrero 2006.