LOS ANGELES (AP) – Ipinahayag ni Chris Paul, leading playmaker ng Los Angeles Lakers, na hindi siya lalaro sa US basketball team na maghahangad ng ika-14 na gintong medalya sa summer Olympics sa Rio Brazil.

Bahagi ang six-time All-Star sa US team na sumabak sa 2008 Beijing at 2012 London Games at mapapabilang sana kina LeBron James at Carmelo Anthony na tanging player na nagwagi ng tatlong sunod na Olympic gold medal.

Sinabi ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo na pormal na nagpaalam sa kanya si Paul na hindi makalalaro sa Rio Games. Nauna rito, nagpalipad-hangin na rin ang Clippers guard na walang kasiguraduhan kung babalik siya sa koponan.

Ayon kay Colangelo, ginagalang nila ang desisyon ni Paul.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nauna nang naibalita ang desisyon ni Paul sa isang artikulo ng Sports Illustrated.

Si Paul ang ikalawang star player na umatras sa US Team matapos magpaalam si New Orleans All-Star Anthony Davis bunsod ng tinamong injury sa balikat at tuhod.

Sa kasalukuyan, 30 player ang nakikipaglaban para sa 12-man slot ng US Team.