Aabot sa 116 na indibiduwal ang naaresto, habang may kabuuang 109 na baril ang nakumpiska ng awtoridad simula nang ipatupad ang Commission on Elections (Comelec) gun ban, sa katimugang bahagi ng Metro Manila, ayon sa Southern Police District (SPD).

Sa huling report ng SPD, ang Taguig City Police ang may pinakamaraming nakumpiskang baril na umabot sa 38, sinundan ng Pasay City Police (21), Parañaque City Police (16), Muntinlupa City Police (14), Las Piñas City Police (10), Makati City Police (9), habang isang baril naman ang nakumpiska sa Pateros Municipal Police.

Sa mga nadakip, dalawa ang may warrant of arrest at muling nanguna ang Taguig, na nakadakip ng 38 indibiduwal, kasunod ang Pasay (23), Parañaque (20), Muntinlupa (16), Makati (10), Las Piñas (8), habang isa naman ang nasa kustodiya ng Pateros.

Kabilang sa mga nasamsam na armas ang iba’t ibang kalibre ng baril, granada at iba’t ibang bala na nasamsam mula sa naaresto.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bunsod ito ng pinaigting na police intervention ng SPD, tulad ng mga checkpoints o Oplan Sita, pagpapatrulya, Oplan Bulabog/Galugad, buy-bust, at ibang mga operasyon kontra droga at krimen, gayundin ang police assistance at mabilis na pagresponde. (Bella Gamotea)