HABANG papalapit na nang papalapit ang graduation rites ng mga magsisipagtapos ng kolehiyo, kung saan nagtapos ang aking apo, naging mas mahirap itong kumbinsihin na huwag na lamang dumalo sa nasabing okasyon. Lagi niyang isinisingit sa aming pag-uusap na ang graduation rites ay isang makahulugang yugto sa buhay ng bawat mag-aaral.

Ang pagkumbinsi ko sa aking apo ay bunsod ng pagtigil sa trabaho ng kanyang ama na isang OFW sa Middle East; pansamantalang huminto ang operasyon ang kumpanyang pinaglilingkuran nito dahil sa lumabis na produksiyon ng langis na inaangkat ng mga bansa sa Asian region.

Nauunawaan ko naman ang aking apo. Nais niyang tanggapin ang diploma bilang isang iskolar ng bayan sa isang pamantasan sa Metro Manila; nais niyang magsuot ng puting toga at mga bagong kasuotan; at maghanda ng kaunting salu-salo para sa kanyang mga kapatid at pinsan. Maliwanag ang mensahe ng aking anak na siyang ama ng aking apo:

“Itay, kayo na muna ang bahala sa inyong apo.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Naging kaagapay ko sa munting problemang ito ang Department of Education (DepEd) na paulit-ulit na nagbibigay ng tagubilin sa mga opisyal ng mga paaralang pambayan at pribado na: Gawing simple ang graduation.

Ibig sabihin, ipinagbabawal ang paniningil ng graduation fees at iba pang kontribusyon mula sa mga magtatapos na estudyante. Katunayan, ang naturang instruksiyon ay mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng pagkakataon; maliban kung ito ay boluntaryo at nakaukol sa red cross at boy at girl scout movement.

Maging ang lugar na pagdadausan ng pagdiriwang ay kailangang pangkaraniwan at hindi maluho. Ang marangyang graduation rites ay hindi barometro ng karunungang natamo ng mga estudyante sa mga paaralan, bagamat ito ay maituturing na simbolo ng mga pagsisikhay tungo sa mataas na edukasyon. Ang mga eksenang ito ay hindi ko tinangkang banggitin sa aking apo nang siya ay kinukumbinsi ko na huwag nang dumalo sa kanyang graduation.

At lalong hindi ko ipinahiwatig sa aking apo na maliban sa pagtatapos ko sa elementarya, hindi ko naranasang dumalo sa high school at college graduation dahil sa kakapusan sa pera. Ang ganitong mga balakid ay hindi na mauunawaan ng kasalukuyang henerasyon. Gayunman, ang simple subalit makahulugang pagdiriwang ay marapat na manatiling bahagi ng patakaran ng DepEd. (Celo Lagmay)