Alicia at Miley copy

MAGHANDA na sa pagbabalik ng The Voice, Season 11 na parang “wrecking ball”. Inihayag na kamakailan na magkakaroon ng dalawang bagong coach sa susunod na season — at ang isa sa kanila ay si Miley Cyrus.

Sasamahan si Miley ni Alicia Keys. Papalitan nila sa pulang upuan sina Christina Aguilera at Pharrell Williams, at tatabihan ang regular coaches na sina Adam Levine at Blake Shelton – ito ang unang pagkakataon dalawa ang babaeng coach sa serye sa loob ng limang taon. Na napapanahon na ring maganap.

Para sa haters na nagsasabing hindi karapat-dapat si Miley bilang hurado sa kumpetisyon o coach ng mga kalahok — at siguradong maraming hindi naniniwala sa kakayahan ng singer — alalahanin lamang na iilan ang current superstars na papatay sa malawak na ‘resume’ niya. Ilang entertainer ba ang makapagsasabing may karanasan sila bilang Disney star, country singer, sidekick ng rapper, at collaborator ng evenpsychedelic Flaming Lips?

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kung walang iba, malaki ang maitutulong ni Miley sa mga kalahok, at kung paano maging fearless sa entablado. At para sa mga taong hindi pa rin makalimutan ang foam-fingering spectacle sa Beetlejuice-suited Robin Thicke sa 2013 MTV Video Music Awards – at naiisip na iyon lang ang maibubuga niya — may video siya habang nag-eensayo ng boses (on a classic by her godmother, Dolly Parton, no less).

Si Alicia Keys naman ay nanalo na ng 15 Grammys at bumenta ng 35 milyong kopya ng album sa loob ng 15 taon ng kanyang career.

Para magkaroon ng ideya sa kung ano ang kayang ibigay nina Miley Cyrus at Alicia Keys sa Season 11, panoorin ang video ni Miley sa kanyang Season 10 Knockout Rounds advisor role, pati na rin ang video ni Alicia na inaalalayan niya ang Team Pharrell noong Season 7. (Yahoo News/Celebrity)