TARLAC CITY - Patay ang isang mekaniko at tatlong iba pa ang grabeng nasugatan sa aksidente sa Tarlac-Sta. Rosa Road sa Block 3, Barangay San Manuel, Tarlac City.

Batay sa ulat sa tanggapan ni Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, nasawi makaraang magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Leonardo Calma, 69, mekaniko, ng nasabing barangay.

Sugatan naman at isinugod sa Central Luzon Doctors’ Hospital (CLDH) sina Luis Guzman, 23, driver ng motorsiklo (CO-33930); Engelbert Guzman, 17; at Emerson Velasco, 16, pawang taga-Bgy. Lalapac, Victoria, Tarlac.

Tumatahak noon pasilangan ang motorsiklo ni Guzman nang aksidente nitong mabundol si Calma habang nakatayo sa gilid ng kalsada. (Leandro Alborote)

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao