Matapos ang 16 na taon, natuldukan na rin ang mahabang panahon na paghihintay ng mga public school teacher sa Makati City.

Sinabi ni Makati Mayor Romulo “Kid” Peña na makatatanggap na ang unang batch ng Makati teachers at non-teaching personnel ng kanilang back allowance mula 1998 hanggang 2014 simula ngayong Miyerkules.

“I thank the Makati City School Board for supporting this initiative and issuing Resolution No. 1, Series of 2016 that approves the supplemental budget of P117,000,000 for the back allowances,” pahayag ni Peña.

Matatandaan na nilagdaan ni Peña ang resolusyon ng Makati City School Board nitong Pebrero.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang unang batch na makatatanggap ng back allowance ay mula sa Bangkal Elementary School, 28 kawani; Makati Pre-School Division, 34 na kawani; at Nicanor Garcia Elementary School, 26 na empleyado.

Ang pinakamataas na allowance na matatanggap ng isang guro ay nasa P104,338.70 habang ang pinakamababa ay nasa P6,000, ayon kay Peña.

Tiniyak ni Pena na nakumpleto na ng mga nabanggit na paaralan ang requirements para sa pagpoproseso ng mga dokumento ng kanilang back allowance. (Anna Liza Villas-Alavaren)