STA. ROSA, Nueva Ecija - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 56-anyos na magsasaka ng kanyang manugang na lalaki matapos silang magkasagutan sa Barangay La Fuente sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital sa Cabanatuan City si Alejandro Golez, na nagtamo ng walong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng Sta. Rosa Police ang tumakas na si Dindo Mendoza, 36, manugang ni Golez, at residente rin sa nasabing lugar.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nag-uusap ang biktima at suspek nang mauwi ito sa sigawan, na inawat ng ilang kapitbahay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinayuhan ng mga kapitbahay si Mendoza na umuwi na bilang respeto sa kanyang biyenan, pero bumalik ang suspek at pinagsasaksak si Golez. (Light A. Nolasco)