Isang kilabot na tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Las Piñas City Police sa anti-drug operation sa lungsod, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Roque Tome, hepe ng SAID-SOTG, ang suspek na si Wilson Llaneta, alyas “Pugo”, residente sa T.S. Cruz Subdivision, Barangay Almanza Dos, ng nasabing lungsod, at kasama sa inaresto ang kinakasama nitong si Ronalyn Lazatin. 

Ginalugad ng awtoridad ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court Executive Judge Salvador Timbang.

Narekober sa bahay ang hindi pa batid na halaga ng hinihinalang shabu, timbangan at drug paraphernalia.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nagkaroon pa ng tensiyon sa pag-aresto kay Llaneta makaraang makialam ang mga opisyal ng Bgy. Almanza Dos dahil hindi umano nakipag-ugnayan ang pulisya sa kanilang grupo kaugnay ng operasyon.

Depensa naman ni Tome, madalas na nabibigo ang operasyon kapag nasasabi sa mga opisyal ng barangay, bukod sa hindi naman intensiyong labagin ang protocol. (Bella Gamotea)