Humihingi ng P10-milyon ransom ang mga kidnapper bilang kapalit ng kalayaan ng 10 Indonesian crew ng isang Taiwanese vessel na dinukot sa Tawi-Tawi.

Ayon sa ulat ng Jakarta Post, isang Indonesian official ang nagkumpirma sa hinihinging ransom ng mga kidnapper bilang kapalit ng paglaya ng mga biktima.

Batay naman sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tinutugis na ng militar at pulisya ang mga armadong kidnapper, na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na tumangay sa 10 biktima sa Tawi-tawi.

Nakatanggap din ng intelligence information ang militar na sa Sulu dinala ng mga bandido ang mga bihag.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa report ng Philippine Army, patungo sa Metro Manila ang tugboat mula sa Jakarta nang harangin ng mga suspek.

Humihingi ng ransom ang mga suspek para sa pagpapalaya sa mga bihag.

Ayon sa report ng Army, hindi pa mabatid ng militar kung kailan nangyari ang pagdukot.

Sinabi sa ulat na nakuha ng militar ang tugboat sa Lanuyan Island at positibo na hawak nga ng mga bandido ang 10 biktima.

Nakaalerto ngayon ang militar sa Western Mindanao at puspusan na ang paghahanap para iligtas ang mga bihag.

(Edd Usman at Fer Taboy)