Janice copy

NAGTUNGO si Janice Dickinson sa doktor para ikonsulta ang pananakit ng kanyang tiyan at nadiskubre ng kanyang doktor ang bukol sa kanyang kanang dibdib.

“I’m always optimistic,” ani Dickinson. “Initially when the doctor found the lump, it hurt. It became quite painful when you touch it. That’s the point when I knew this is serious — when the doctor touched this little lump in my right breast, about the size of a pea, and I went, ‘Bingo, I have cancer.’”

Isiniwalat ni Dickinson sa Daily Mail na, kasunod ng mammogram at biopsy, na-diagnose siya na may ductal carcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng breast cancer, na, sa kabutihang palad, ay madaling gamutin.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“It’s still quite shocking. Today I got very scared,” emosyonal na pahayag ni Dickinson sa isang panayam. “I just get very scared, and it hit me. But I am not gonna let that define me, the fear. I’m going to get through this. I’ll be just fine, kiddo.”

Na-diagnose ngayong buwan, sinabi ni Dickinson na siya ay sasailalim sa minor surgery sa lalong madaling panahon at kinakailangan ng radiation treatment at pagpapagamot na gagawin na niya hangga’t siya ay nabubuhay.

Ayon sa 61 taong gulang na dating supermodel, ang kanyang fiancé na si Dr. Robert Gerner ay malaking suporta sa kanyang problema.

Matatandaang nagkaroon din ng anorexia, bulimia at nalullong sa alak si Dickinson. Aniya, ibinabahagi niya sa lahat ang kanyang pinagdadaanan upang palaganapin ang kamuwangan ng kababaihan.

“I’m going to tell my truth. I’m doing this for women. I really want for this experience [to be] for women of all ages,” ani Dickinson. “Have regular breast examinations please. Girls past 30, it’s very important.”

(Yahoo News/Celebrity)