Ilulunsad ngayong umaga ang Publish Asia, ang annual meeting place ng Asian news publishing industry, at si Pangulong Benigno Aquino III ang magbibigay ng pambungad na talumpati. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng siyam na taon na magaganap ang major convention na ito sa Manila.

Inorganisa ng WAN-IFRA, ang World Association of Newspapers and News Publishers, katuwang ang local Filipino publishers na Manila Bulletin, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Times at Business Mirror, idaraos ang 16th Publish Asia sa bagong bihis na convention centre ng makasaysayang Manila Hotel.

May 300 media executive mula sa 24 na bansa, kumakatawan sa mahigit 80 nangungunang news media company sa Asia, ang magtitipun-tipon sa Manila upang magbahagian ng exclusive insights sa kanilang mga tagumpay at latest projects sa larangan ng newsroom transformation, content discovery, print and digital advertising, newspaper production, investigative journalism, revenue diversification at multi-screen publishing strategies.

Unang nagkita-kita ang mga delegado ng Publish Asia 2016 nitong Marso 29 ng gabi sa glamorosong welcome reception na inihanda ng Manila Bulletin at Philippine Daily Inquirer, sa Seabreeze ng Manila Hotel, na nakatanaw sa Manila Bay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“The news publishing industry is undergoing a radical transformation, evolving from a traditional single print support to multiple digital platforms,” ayon kay Dr. Emilio Yap III, Vice Chairman ng Manila Bulletin Publishing Corporation. “We are extremely pleased to welcome Publish Asia in Manila this year as this event offers a unique opportunity for Asian newspaper publishers to exchange information and collaborate in order to address the tremendous technology and business challenges we are facing,” dagdag ni Dr. Yap.”

“In a fast changing media world, it is crucial for editors and news executives to constantly upgrade their skills and keep abreast of the latest media trends,” pahayag naman ni Sandy Prieto-Romualdez, CEO at President ng Philippine Daily Inquirer.

Magiging host din ang Publish Asia 2016 ng prestihiyosong Asian Media Awards ceremony ngayong gabi sa gala dinner na inorganisa sa natatanging set up ng Fort Santiago, ang Spanish fortress na itinayo noong 16th century at isa sa pinakamahalagang makasaysayang lugar sa Manila.

Ang Publish Asia 2016 ay suportado rin ng Google, manroland web systems, Protec media, SpotX, The New York Times Syndicate at Unruly. Tampok sa okasyon ang exhibition ng mga produkto at serbisyo ng news publishing industry na ipipresinta ng UPM, OneVision, Cxense, ppiMedia, Pressreader, Financial Times at AT Internet.

Para sa karagdagang impormasyon sa WAN-IFRA events, komunsulta sa http://www.wan-ifra.org/events

Ang WAN-IFRA ay isang pandaigdigang organisasyon ng mga newspaper at news publisher sa mundo. Kinakatawan nito ang mahigit 18,000 publikasyon, 15,000 online site at mahigit 3,000 kumpanya sa mahigit 120 bansa. Pangunahing misyon nito ang ipagtanggol at isulong ang press freedom, quality journalism at editorial integrity at ang pagpapabuti sa mga umuunlad na negosyo.