Binatikos ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) dahil sa kakulangan ng malinis na tubig at maayos na palikuran sa mahigit 3,000 pampublikong paaralan sa bansa.

“This constitutes failure on the part of the Aquino administration to effectively address the gaps in education that have repeatedly plagued education stakeholders,” pahayag ni Gatchalian, miyembro ng House Committee on Basic Education and Culture.

Mahigit 3,600 elementary at high school sa bansa ang napag-alamang walang regular na supply ng malinis na tubig, base sa inihayag ni Education Secretary Armin Luistro sa kanyang talumpati sa 2016 Rotary International Presidential Conference on Water, Sanitation and Hygiene in Schools (WASH).

Ito ay binubuo ng 7.76 porsiyento ng kabuuang 46,739 na pampublikong paaralan sa bansa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng Partido Galing at Puso (PGP) ng tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero, kinuwestiyon din ni Gatchalian kung bakit umiiral pa rin ang mga naturang problema sa mga paaralan sa kabila ng malaking budget na inilalaan ng gobyerno sa DepEd taun-taon.