ISANG month-long trip sa Israel at Jordan ang hatid ng Biyahe ni Drew sa mga manonood sa pagdidriwang ng 2015 Anak TV Seal awardee ng ikatlong anibersaryo ngayong Abril.

 

Sa Biyernes, Abril 1, bibisitahin ni Drew Arellano ang mga banal na lugar sa Israel. Ang mga ito ang pinuntahan ni Jesus Christ nang manirahan siya sa lupa tulad ng Cana, ang lugar ng kasalan na ginawa niyang alak ang tubig, at ang Dagat ng Galilee na nilakaran niya nang hindi siya lumubog sa tubig. Titikman din ni Drew ang ilang tradisyunal na pagkaing Israeli tulad ng St. Peter’s fish at iba’t ibang uri ng kebab.

 

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Sa Abril 8, lilibutin naman ni Drew ang iba pang puwedeng puntahan sa Israel maliban sa mga simbahan, templo, at mosque. Isa na rito ang The World Holocaust Remembrance Center na itinayo bilang alaala sa Holocaust martyrs.

Dadayuhin din ng Biyahe ni Drew ang The Western Wall o Wailing Wall na banal para sa mga Hudyo, Kristiyano at Muslim. Titikman din ni Drew ang mga sikat na dessert sa Israel na gawa sa mani at honey.

 

Panoorin ang unang dalawang episode ng third anniversary special ng Biyahe ni Drew sa Abril 1 at 8, 8 PM, sa GMA News TV.