KALIBO, Aklan - Umabot sa 20 ektarya ng mga puno at pananim ang nasunog sa kabundukan ng Barangay Tibiawan sa Madalag, Aklan.

Ayon kay Julius Tiongson, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Kalibo, tanging fire suppression o pagpigil na kumalat ang apoy, ang kanilang nagawa dahil sa kakulangan ng gamit para tuluyang maapula ang pagliliyab.

Wala namang nasugatan o nasunog na istruktura sa pagliliyab sa kabundukan, na nagsimula noong Marso 26.

Sinabi ni Tiongson na batay sa imbestigasyon, isang residente ang nagsiga ng mga basura at ito ang pinagmulan ng apoy. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?