SEOUL (AFP) – Walang reaksiyon ang South Korea at Japan sa mga pahayag ni Donald Trump nitong Lunes na kapag siya ang naging pangulo ay iuurong niya ang mga tropa sa dalawang bansa at pahihintulutan silang magdebelop ng kanilang sariling nuclear arsenal.

Halos 30,000 sundalo ng US ang permanenteng nakahimpil sa South Korea at 47,000 sa Japan, at walang interes ang dalawang bansa sa nuclear weapons.

Nang hingan ng komento sa ‘America first’ policy ni Trump, sinabi ni South Korean Defence Ministry spokesman Moon Sang-Gyun na mas mabuting huwag magkomento sa mga pahayag ng isang US presidential candidate.

Tumanggi rin ang top government spokesman ng Japan na si Yoshihide Suga na magkomento sa mga sinab ni Trump, ngunit iginiit na ang alyansang militar sa Washington ay mahalaga at pangmatagalan.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina