Ibinasura ng kampo ng presidential aspirant na si Senator Grace Poe ang mga ulat hinggil sa umano’y nabuong “tactical alliance” sa pagitan ng senadora at ng independent vice presidential candidate na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, katambal ni Poe sa May 9 elections, na nais lang ng mga nagpapakalat ng “tactical alliance” na Poe-Marcos na lumikha ng intriga upang mahati ang kanilang mga tagasuporta sa pulitika.

Binalewala ni Chiz ang naturang isyu dahil, aniya, solid ang tambalang Poe-Escudero kumpara sa ibang presidential-vice presidential tandem ngayong eleksiyon.

“…They won’t succeed because of all the tandems, Grace and I have known each other the longest and have been through the most together,” ani Escudero.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ay matapos kumalat ang tsismis na naselyuhan na ang tambalang Poe-Marcos nitong unang linggo ng Marso matapos mamagitan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para sa pakikipag-alyansa ng kanyang nakababatang kapatid na si Sen. Bongbong at ni Poe nang mangampanya ang huli sa Ilocolandia. (Hannah L. Torregoza)