Sinagip ng national women’s compound mula sa pagkabokya sa gintong medalya ang Philippine archery team, habang pumitas ng silver medal si Ma. Amaya Amparo Cojuangco sa individual women’s compound event sa World Archery Asia 2016 Asia Cup-World Ranking Tournament nitong Linggo sa Sports of Authority of Thailand Archery Range sa Bangkok, Thailand.

Ipinamalas ng Pinay archers ang katatagan at determinasyon bilang koponan nang tampukan ang qualification round laban sa 12 bansang karibal bago madomina ang Olympic round.

Ginapi ng Pinay ang eight seed Hong Kong sa semi-finals, 224-220, at ungusan ang third seed India sa championship round, 224-223.

Sa individual class, pumangalawa si Cojuangco, habang nahulog sa 16-way tie para sa 17th place sina third seed Jennifer Chan, 19th seed Andrea Robles, 22nd seed Joann Tabañag at 25th seed Abbigail Tindugan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nabigo si Cojuangco kay second seed Iranian Jyothi Surekha Vennam sa gold medal match, 140-142.

Nakalusot para sa finals si Cojuangco nang gapiin si Viktoriya Lyan ng Kazakhstan, 141-139, sa second round, 16th seed Taiwanese Ting ting Wu sa third round, 145-142, at 8th seed Indonesian Dellie Threesyadinda sa semi-final, 140-137.

Kinapos naman sa men’s compound individual si top seed Jose Ferdinand Adriano na pumang-apat lamang habang nasa sixth place si fifth seed Paul Marton dela Cruz.

Kasama sa 16-katao sa 17th slot si dating Asian Championship gold medalist Earl Benjamin Yap, habang kabilang sa 34-pagtatabla para sa 33rd spot sina 20th seed Anthony Delfin Adriano, 33rd seed Rosendo Sombrio at 50th seed Rannie David. Nasa eight-way tie para sa ikasiyam na puwesto sa 17-team entry ang Team Philippines.

Tumapos din sa ikaapat ang koponan sa 15-squad recurve women’s sa kabila na nasa 16-way tie para sa 17th sa individual si 37th seed at 2012 London Olympian Rachelle Anne Cabral-dela Cruz, kahanay sa 24-way tie para sa 33rd si 39th seed Kareel Meer Hongitan at nasa 13-way tie para sa 57th place si Mary Queen Ybañez.

Sa recurve, nasa 8-way tie para sa 9th place sa 18 bansang naglaban ang Pilipinas at nasa 16-way-tie para sa 17th si 28th seed Florante Matan at 51st seed/two-time Olympian Mark Javier , nasa 24-way tie para sa 33rd si Luis Gabriel Moreno at kahalo sa 24-way tie para sa 57th sina 33rd seed Zander Lee Reyes at 59th seed Antanacio Pellicer III.

(ANGIE OREDO)