MOSCOW (PNA/Sputnik) – Nadiskubre ng isang grupo ng mga scientist mula sa Scripps Research Institute (TSRI) na ang immune cells na kayang talunin ang HIV ay nasa katawan lamang ng tao.

Ang ilang tao na nahawaan ng HIV ay kayang maglabas ng antibodies na epektibong napapatay ang maraming strain ng mapanganib at mabilis magbagong anyo na virus. Gayunman, ang isang malusog na tao ay kailangang bakunahan ng special antigens upang makapaglabas ng kinakailangang antibodies.

Nakasalalay ang tagumpay ng potensyal na bakuna sa kakayahan ng immunogen na ibigkis ang cells na tinatawag na B-lymphocytes at paganahin ang mga ito upang maglabas ng antibodies. Isinulat ng isang grupo ng scientists ang bagong pag-aaral na inilathala sa Science magazine nitong Marso 24 na taglay ng karamihan ng mga tao ang tinatawag na “embryo” precursor cells na kayang lumikha ng VRC01 antibodies na kinakailangan para talunin ang HIV cells.

Sinikap ng mga scientist na magdebelop ng isang espesyal na uri ng immunogen na kayang ibigkis ang ilang uri B-lymphocytes, na posibleng responsable sa immunity laban sa HIV. Ang immunogen ay kailangang maging “very unique” dahil ang kinakailangang progenitor cells ay “very rare” sa iba pang B-lymphocytes.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“We found that almost everybody has these broadly neutralizing antibody precursors, and that a precisely engineered protein can bind to these cells that have potential to develop into HIV broadly neutralizing antibody-producing cells, even in the presence of competition from other immune cells,” pahayag ng pangunahing may-akda na si TSRI professor William Schief.

Nilikha ng immunologists ang protein immunogen na EOD-GT8 60mer. Ipinakita ng pananaliksik na ang mga daga na binakunahan ng protein na ito ay naglabas ng VRC01 antibodies. Kapag kayang magbunsod ng EOD-GT8 60mer ng parehong reaksiyon sa tao, maaaring nang magdebelop ang mga scientist ng ilan pang immunogen na magkakatuwang na magdudulot ng kombinasyon ng maraming antibodies na kayang talunin ang HIV.

Sa isang artikulo na inilathala kamakailan sa Scientific Reports magazine, isinulat ng genetic scientists na ang CRISPR/Cas9 technology ay kayang tanggalin ang HIV virogenes mula sa nahawaang T-lymphocytes na karaniwang inaatake ng virus. Ang tuklas na ito ay maaaring nakatulong sa pagdebelop ng mga bagong paraan ng pagbibigay-lunas sa mga taong may AIDS.