KASAMA ang ilan sa mga katulad naming kasapi sa Greeters and Collectors Ministry ng Sto. Nino de Tondo ay pinanood namin ang pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

In fairness, hanggang sa natapos ang pelikula na inabot nga ng walong oras ang running time ay walang lumabas isa man sa mga kasama namin, huh.

Medyo naintriga kasi sa pelikula ang mga kasamahan namin na updated din sa showbiz happenings. Nagtaka sila kung bakit ganoon ito kahaba at nanalo pa sa Berlin International Film Festival.

In fairness, nagandahan naman kami sa movie at hindi nga nagkamali ang Berlin International Film Festival na gawaran ito ng award.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Pero sa totoo lang, hindi pa man nangalahati ang pinapanood namin ay nakatulog na ang ilan sa mga kasama namin.

Siyempre, sa sobrang antok at sa lamig ng sinehan, huh!

May mga kasama rin naman kami na talagang tinutukan ang bawat eksena at nagandahan sila sa pelikula ni Lav Diaz, pero may napailing na lang at hindi raw ito pumasa sa kanila.

May umamin naman na lalo raw sumakit ang ulo nila hindi lang dahil sa sobrang haba kundi dahil sa mga eksena na bukod sa black and white ay nagmukhang halu-halo raw, huh! (Jimi Escala)