Hindi bababa sa 30 katao, kabilang ang isang turistang Japanese, ang naiulat na namatay habang maraming iba pa ang nasugatan sa paggunita sa Semana Santa noong nakaraang linggo, ayon sa huling ulat ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na karamihan sa mga namatay ay biktima ng pagkalunod na umabot sa 22, kabilang ang isang Japanese. Dalawang iba pa ang naiulat na nawawala.

Samantala, apat na katao ang naiulat na namatay habang 55 iba pa ang sugatan sa mga vehicular accident na nangyari sa iba’t ibang lugar sa bansa nitong Semana Santa.

Tatlo sa mga namatay ay mula sa Davao Oriental makaraang mahulog ang isang truck sa malalim na bangin. Dalawampu’t dalawang katao ang kritikal na nasugatan sa insidente.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“The tally is based on the data from March 24 to 27. The list of fatalities include an encounter between the military and the Abu Sayyaf in Basilan which left two bandits dead,” ayon kay Mayor.

Aniya, iniimbestigahan pa rin ng awtoridad kung ang nangyaring barilan sa Kauswagan, Lanao del Norte ay may kinalaman sa eleksiyon sa Mayo 9, nang pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang konsehal ng dalawa niyang kapatid.

(Aaron Recuenco)