Tatangkain ni IBO International super flyweight champion Rene Dacquel ng Pilipinas na makapasok sa WBC ranking sa pagkasa kay Thai knockout artist Lucky Tot Buamas para sa bakanteng interim OPBF crown sa Abril 1 sa Bacolod City, Negros Occidental.

Nabigo si Dacquel na matamo ang OPBF nang talunin siya sa 12-round unanimous decision ng kampeong si Takuma Inoue noong Disyembre 29, 2015 sa Ariake Colloseum sa Tokyo, Japan.

Kaagad siyang nakabawi sa pagkatalo sa pagwawagi sa puntos kay dating WBC Asian Boxing Council minimumweight champion Mateo Handig noong Pebrero 20, 2016 sa Brgy. Bagumbayan, Taguig City.

 

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang si Dacquel sa mangilan-ngilang Pilipino na nagwagi sa South Africa na bantog sa hometown decision, ngunit nagawa niyang talunin sa puntos noong Agosto 28, 2015 si Thembelani Nxoshe sa East London, Eastern Cape para maisuot ang IBO regional belt.

May perpektong rekord si Buamas na 7-0.

May kartada si Dacquel, dating WBC Youth super flyweight titlist, na 16-1. (Gilbert Espeña)