BALER, Aurora - Nananawagan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Provincial Board Committee on Environmental Protection ng Aurora na imbestigahan ang napapaulat na talamak na illegal logging sa probinsiya at tukuyin ang pulitiko na posibleng sangkot dito.

Ayon kay Provincial Board Member Cesar B. Pimentel, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan Committee on natural resources environmental protection, nananawagan sila kay PENRO Officer Joselito Blamco, na magsagawa ng agarang imbestigasyon hinggil sa talamak umanong illegal logging, partikular sa dalampasigan ng Baler.

Napaulat din umano na isang pulitiko ang nasa likod ng ilegal na operasyong ito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente