BANGKOK- Masayang umalis, luhaang nagbalik.

Masakit na katotohanan ang bumulaga sa Petron Philippine Super Liga All-Star team na wala sa kalingkingan ang kanilang kasanayan laban sa karibal sa rehiyon matapos makamit ang ikatlong sunod na kabiguan at mangitlog ang kampanya sa Thai-Denmark Super League sa MCC Hall sa Bangkapi dito.

Naunsiyami ang paghahangad ng PSL team na makapag-uwi ng panalo mula sa torneo nang pabagsakin ng 3BB Nakornnont, 15-25, 11-25, 25-23, 15-25, nitong Sabado.

Nagtangka ang PSL na makasabay sa gilas ng karibal, ngunit tunay na hindi pa handa ang mga players na regular na naglalaro sa commercial league sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Unang natikman ng PSL ang kabiguan sa Bangkok Glass, 25-23, 11-25, 16-25, 9-25, bago yumukod sa Idea Khonkaen, 25-22, 25-20, 25-19.

“’Yung receive pa rin ang naging problema natin. Saka ‘yung kalaban natin, naging consistent sa service nila, kumbaga, mas madali silang nakaka-recover kapag nagkamali sila,” sambit ni coach George Pascua.

Naitala ng Thai ang 57 atake laban sa 37 ng PSL Spikers.