Aabot sa P206-milyon halaga ng farm equipment ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Laguna sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Sinabi ni DA Secretary Proceso Alcala na isa lamang ito sa mga programa ng kagawaran upang matulungan ang mga magsasaka.

Layunin, aniya, nito na madagdagan ang produksiyon ng mga magsasaka at matulungan na rin ang mga ito na makahanap ng mahusay na merkado.

Ayon sa kalihim, nagkaloob din ang DA ng proyektong farm-to-market na aabot sa P10 milyon sa 1st at 2nd District ng Laguna, pati na rin ang P26-milyon at P80-milyon halaga ng FMR projects sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan. (Rommel P. Tabbad)
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso