KAHIT may naumpisahang imbestigasyon sa anomalya sa MMFF 2015 ay hindi pala malinaw kung may mailalabas na solusyon ang mga mambabatas na nag-iimbestiga sa naturang iregularidad.

Ito ang obserbasyon ng nakausap naming isang congressman na may konek sa showbiz at ayaw magpabanggit ng pangalan. 

Aniya, kahit nasa showbiz siya at suportado niya ang nasabing imbestigasyon ay baka raw mauwi lang sa wala ang reklamo nina John Lloyd Cruz, Dondon Monteverde, Direk Erik Matti, at iba pang kasamahan sa pelikulang Honor Thy Father.

“Sinasabi nilang ang problema raw ay nasa may hawak ng executive posisyon ng MMFF na may mga hinahawakan at nagpi-finance din sa mga pelikula na siyempre, mas papaboran nila hindi lang para makakuha ng magagandang sinehan kundi pati na rin ang pananalo ng awards para iyon ang panoorin ng mga tao,” sey ng kausap naming mambabatas. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya pa, wala pa ring kongkreto o malinaw na ebidensiya silang nakukuha at malamang daw na manatili pa rin sa executive committee ang mga taong inireklamo.

Kahit may mga pangako raw ang mga congressman na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon pagkatapos ng eleksiyon, wala pa ring kasiguraduhan na mababago ang sistema sa pagpapatakbo sa MMFF.

Tiyak daw kasi na pagkatapos ng eleksiyon ay iba na ang uupong presidente, kaya iba na rin ang MMDA chairman na itatalaga ng mananalong pangulo. 

“Pati ang mga nakaupo sa Kongreso ay mapapalitan na rin. Sa palagay kaya natin, eh, ganu’n kadaling magpasa ng batas para baguhin ang mga sinusunod na alituntunin ng MMFF?” tanong ng kausap namin. 

“Sa totoo lang naman, kung ‘yung mga priority bills nga ni Pangulong Aquino, eh, hindi pa nila napalusot, ‘yan pa kayang tungkol sa MMFF?” sey pa ng source namin. --Jimi Escala