Largest Tablet-1 copy

TAUN-TAON ay pinaghahandaan ng city government ang Summer Vacation (SumVac) bilang paggunita sa Holy Week, kaakibat ang religious activities para sa mga residente at sa mga dumadagsang bakasyunista sa Summer Capital of the Philippines.

 

Iba’t ibang ecumenical at inter-faith ceremonies ang inihahanda ng mga religious group, sa pangunguna ng Our Lady of Atonement Baguio Cathedral, na humihikayat sa mga residente, lalo na sa mga bakasyunista na gawing makabuluhan ang paggunita ng Holy Week habang nagbabakasyon sa Baguio.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kabilang sa religious activities ng city government ang kauna-unahang paglalagay ng Station of the Cross sa dating Diplomat Hotel sa Dominican Hill. Makikita rin sa lugar na ito ang World Largest Ten Commandments tablet, na naitala sa Guiness World Record noong August 12, 2011.

 

Ang Our Lady of Lourdes grotto ay naging paborito nang pilgrimage site noon pa man at bago mo marating ang grotto ay kailangan mong akyatin ang hagdanan na may 252 steps.

 

Ang dating base-militar na Camp John Hay ay nag-alay din ng kanilang religious services para sa mga bisita. Ang Station of the Cross at ang replica ng Black Nazarene ay makikita na sa Historical Core site tuwing Holy Week season.

 

Bukod dito, ang mga pribado, gobyerno, civic, medical at communications group ay laging nakahanda at tulung-tulong na umaalalay at nagbibigay serbisyo sa mga bakasyunista at motorista, na taunang programa para sa Summer Vacation o ang “Alalay sa Manlalakbay” project.

 

Maging ang Boy Scouts ay abala sa kanilang suporta sa pedestrian traffic, lalo na sa pamumulot ng basura sa kalye.

Sa peace and order para seguridad ng bisita, ay nakakalat ang mga pulis at intelligence operatives para manmanan ang masasamang-loob na magsasamantala sa maraming tao sa lungsod.

 

Ang malamig na klima ang pangunahing dinadayo ng mga bakasyunista tuwing summer vacation, dahil ito lamang ang panahon na mahaba ang bakasyon kasabay na rin ang paggunita ng Holy Week, Kaya’t tradisyon na ng siyudad na magsagawa ng mga religious activities bilang City of Prayer. (Rizaldy Comanda)