YONAGUNI, Japan (Reuters) – Pinagana ng Japan nitong Lunes ang radar station nito sa East China Sea, na magbibigay dito ng permanent intelligence gathering post malapit sa Taiwan at sa grupo ng mga isla na pinagtatalunan nila ng China, na ikinagalit ng Beijing.

Ang bagong Self Defence Force base sa isla ng Yonaguni ay nasa dulong kanluran ng kapuluan ng Japan sa East China Sea, may 150 km sa timog ng pinagtatalunang kapuluan na tinatawag na Senkaku islands sa Japan at Diaoyu sa China.

“Until yesterday, there was no coastal observation unit west of the main Okinawa island. It was a vacuum we needed to fill,” pahayag ni Daigo Shiomitsu, Ground Self Defence Force lieutenant colonel na nagmamando sa bagong base sa Yonaguni.

“It means we can keep watch on territory surrounding Japan and respond to all situations.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'