DIPACULAO, Aurora - Dalawang-daang libong piso ang inilaan ng pamahalaang bayan na medical at health assistance para sa bawat isa sa 6,800 indigenous people (IP) o katutubo sa Dipaculao.

Ayon kay Randy Salo, kinatawan ng mga katutubo, binigyang tugon ni Mayor Reynante Tolentino ang matagal nang hinihiling ng kanilang komunidad.

Sinabi ni Salo na sinisikap ng kanilang grupo na maging ganap na ordinansa ito upang regular na mapondohan ang programa at magtuluy-tuloy ang pagpapatupad nito. - Light A. Nolasco

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?