BUTUAN CITY – Isang lindol na may lakas na 3.4 magnitude ang yumanig sa Siargao Island kahapon ng madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Karamihan sa mga bakasyunista sa isla ay naalimpungatan at agad na naglabasan mula sa kani-kanilang cottage nang maramdaman ang pagyanig.

Wala namang iniulat na pinsala ang lindol, ayon sa monitoring action center ng Surigao del Norte Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC).

Naitala ang pagyanig dakong 3:59 ng umaga at ang epicentre ay nasa 54 na kilometro sa timog-silangan ng bayan ng General Luna sa Siargao Island, Surigao del Norte, ayon sa Phivolcs. - Mike U. Crismundo

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito