BRUSSELS (Reuters) – Nag-alok na magbitiw sa tungkulin ang interior at justice ministers ng Belgium sa kabiguang matiktikan ang Islamic State militant na ipinatapon ng Turkey at kalaunan ay pinasabog ang sarili sa Brussels airport nitong Martes.

Isa si Ibrahim El Bakraoui sa tatlong kinilalang suicide bomber na umatake sa paliparan at sa metro train, na ikinamatay ng 31 katao at ikinasugat ng 270 iba pa noong Martes.

Nitong Huwebes, ipinaalam nina Interior Minister Jan Jambon at Justice Minister Koen Geens ang kanilang pagbibitiw kay Prime Minister Charles Michel, na tinanggihan nito.

“In time of war, you cannot leave the field,” ani Jambon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina