Naghain ng panukala si Palawan Rep. Douglas Hagedorn para opisyal na ideklara ang Puerto Princesa City bilang “City of the Living God” at itakda ang Marso 30 ng bawat taon bilang isang non-working holiday kaugnay ng nasabing deklarasyon.

Sinabi ni Hagedorn na ang deklarasyon ay suportado at aprubado ng pamahalaang lungsod sa bisa ng Sangguniang Panglungsod Resolutions 770-2010 at 579-2012 na may petsang Hunyo 4, 2012, at nagbigay-daan sa Executive Order No. 13 na nagdedeklara sa Puerto Princesa bilang City of the Living God.

“Of all the places in the country, only Puerto Princesa is away from the ring of fire and the fault line,” sabi ni Hagedorn sa paghahain niya ng House Bill 6479.

Sinabi ni Hagedorn na nasa Puerto Princesa ang isa sa New Seven Wonders of Nature of the World, ang St. Paul Subterranean River National Park o Underground River. Nasa Palawan din ang iba’t ibang uri ng hayop na tanging sa isla lang matatagpuan, aniya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aniya pa, itinuturing ni Mayor Edward Hagedorn ang Puerto Princesa bilang isang “home of God-fearing, disciplined, progressive, and environment-conscious people.”

“As the City of Living God, Puerto Princesa will achieve its full potential, and not only limit itself to being known as a city in a forest and sports tourism capital of the Philippines,” ani Hagedorn. - Charissa M. Luci