MAY isang larawan ang Panginoong Hesukristo kung saan hindi na siya halos makilala. Kulot at hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok at balbas-sarado, ngunit makikita ang sa Kanyang pagtawa ang kasiyahan. Bakit tumatawa si Hesus? Dahil Siya ay muling nabuhay at hindi nagtagumpay sa kasamaan si Satanas.
May kuwento tungkol sa isang batang babae na ang mga magulang ay sobrang relihiyoso. Tuwing Linggo ng hapon kapag ang mga bata ay nasa labas at natutungo sa kanilang kapit-bahays para makipaglaro, ang kanyang ina ay nagbabasa ng Bible sa buong maghapon.
Pagkalipas ng ilang araw, tinanong ng batang babae ang kanyang ina, “Mama, ano bang meron sa heaven?” Sumagot ang kanyang ina at sinabing, “Parang ganito rin, anak.”
Nagulat ang batang babae at sinabing, “Mama, kung ganito rin lang naman pala sa heaven, hayaan mo na lang akong mapunta sa impiyerno!”
Ang mensahe ng nasabing kuwento ay hindi, siyempre, nangangahulugan na hindi magandang magbasa ng Bible. May oras para sa paglalaro, pag-aaral, “for everything under the sun.” At higit sa lahat, nais iparating ng kuwento na ang mabuti ay dapat ding maging maliwanag at masaya.
Kung kaya’t ang Easter ay dapat maging masaya at positibo.
Naalala ko tuloy ang isang kaibigan na nagsabi sa kanyang liham na
“Don’t take life too seriously; you’ll never come out of it alive!”
At huwag MASYADONG seryosohin ang buhay at ang mga problema. Magkaroon ng sense of humor. Hindi namans ibig sabihin nito na kailangan mong magbitaw ng mga kakatawanan.
Ito ay nangangahulugan na kahit gaano kalaki at kahirap ang iyong problema, huwag kang mawalan ng pag-asa dahil mayroong mapagmahal, maawain at makapangyarihaang Diyos na matatakbuhan mo sa kahit anong oras.
May isang bagay ka lamang na dapat tandaan: Gawin mo ang parte mo.