Matapos ang madugong dispersal sa mga nagprotestang bilanggo kamakailan, plano ng Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng human rights seminar sa mga tauhan ng Makati City Jail upang mapangalagaan ang karapatan ng mga preso at maiwasan ang kaguluhan sa pasilidad.

Sinabi ni CHR Chairman Chito Gascon na inihahanda na nila ang mga training module na kanilang ginamit sa Quezon City Jail, kamakailan.

“Kung willing sila, puwede rin naman namin silang i-include doon (sa programa),” pahayag ni Gascon.

Upang maisakatuparan ito, ipinaliwanag ni Gascon na kailangan nila ang tulong ng mga eksperto sa naturang usapin.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Kabilang sa mga ikinokonsidera ng CHR bilang trainor ay si Raymund Narag, international lawyer at professor sa Amerika, na nagtapos ng PHD sa Criminal Justice.

Sinabi ni Gascon na si Narag ay nakulong sa Quezon City Jail nang pitong taon at nang siya ay pinalaya, nagtungo siya sa Amerika upang magturo hinggil sa usapin ng karapatang pantao.

Aniya, nagpahayag na ng kahandaan ang mga opisyal ng Makati City Jail na sumailalim sa seminar ng CHR.

(Rizal S. Obanil)