DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Sentro ng atensiyon ang Dubai World Cup – pinakamayamang horse race sa mundo – na sisikad ngayon tampok ang paboritong California Chrome.
Bukod sa $10 million na papremyo sa World Cup, nakalinya rin ang walo pang karera, tampok ang dalawang programa -- 1,800-meter Dubai Turf at 2,410-meter Dubai Sheema Classis – na may nakatayang $6 milyon premyo bawat isa.
Umaasa si jockey Victor Espinoza na mahihigitan ng California Chrome ang naging kampanya nito sa nakalipas na taon kung saan kinapos lamang ng bahagya sa sopresang kampeon na Prince Bishop.
“In a way it is kind of good,” sambit ni Espinoza.
“I can see how all the other horses are going to do out of the gates, and I can control the race a little bit. I am very pleased with how he is shaping up. So far, so good. I have watched him the last couple of days and he is looking good.”
Para makapaghanda ng husto, dumating sa Dubai ang California Chrome noon pang Enero at nagwagi sa 2,000-meter handicap race sa Meydan Racecourse.
Matapos ipahinga ng 10 buwan bunsod ng injury, sa paa, inasahan ang pangingibabaw ng 2014 Kentucky Derby at Preakness Stakes winner ngayong taon.
“I have been in the game for 55 years and seen a lot of things, but California Chrome is bigger and better than any of them,” pahayag ng trainer na si Al Sherman.
“If you have the right horse, an outside draw is good, and we think we have the right horse. He normally races prominently and is pretty versatile,” aniya.
Ang California Chrome ay isa sa limang American horse sa 12 kalahok para sa over 2,000 meter race.