WASHINGTON (CBSNewYork/AP) – Kinumpirma ng mga opisyal sa Amerika ang pagkamatay ng senior leader ng Islamic State (IS).
Si Abd al-Rahman Mustafa al-Qaduli, kilala rin bilang Abou Ala al-Aafri at Haji Imam, ay ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng IS at isa sa mga nagtatag ng al Qaeda sa Iraq, ayon sa ulat ng CBS News. May $7 million patong sa kanyang ulo.
“Leaders can be replaced. However, these leaders have been around for a long time. They are senior, they are experienced,” sinabi ni U.S. Defense Secretary Ash Carter sa news conference sa Pentagon.