Naghain ng panukalang batas si ANGKLA Party-list Rep. Jesulito A. Manalo na nagtatakda sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na mangolekta ng $25 kontribusyon sa bawat OFW kada dalawang taon.

Sa House Bill 6405, sinabi ni Manalo na may pagkakaiba o ‘di pagkakapantay sa dalas ng koleksiyon ng bayad ng mga OFW na nagtatrabaho sa lupa (land-based) at sa dagat (sea-based).

“In order to have equality among all its members, this measure adopts a scheme whereby the frequency of the membership contribution collection be fixed for every two years, making it time-bound, instead of contract-bound,” ayon sa mambabatas. - Bert de Guzman
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador