Isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang miyembro nito ang namatay habang 13 ang nasugatan, kabilang ang limang sundalo, sa engkuwentro sa Barangay Macalang, Albarka, Basilan, sinabi kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa ulat ng AFP, nangyari ang engkuwentro nitong Biyernes Santo ng hapon makaraang magkasagupa ang tropa ng 4th Special Forces Battalion ng Philippine Army (PA) at ang mahigit 40 miyembro ng Abu Sayyaf, na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon.

Kinilala ni Maj. Felimon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), ang napatay na ASG sub-leader na si Eric Ajibon, umano’y bomb expert na responsable sa pambobomba sa Basilan; at isang tauhan nito na nakilala sa alyas na “Ayan”.

Nasa pangangalaga ngayon ng Albarka Municipal Police ang bangkay ng dalawang nasawing bandido.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasamsam ng mga sundalo ang baril ng mga napatay na bandido matapos ang bakbakan na tumagal ng halos isang oras.

Sinabi pa sa report na umatras ang mga bandido habang bitbit ang anim na sugatang kasamahan at ginagamot naman sa Camp Navarro General Hospital ang pitong nasugatang sundalo at mga militiaman makaraang pasabugan ang mga ito ng M-203 grenade launcher sa gitna ng labanan. (Fer Taboy)