TOKYO (AFP) – Binitay ng Japan ang dalawang preso sa death row nitong Biyernes, ayon sa justice ministry, binalewala ang mga panawagan ng international rights groups na wakasan na ang capital punishment.
Pinatay ni Junko Yoshida, 56, ang dalawang lalaki noong huling bahagi ng 1990s sa planong makakuha ng pera sa insurance, ayon sa justice ministry.
Nahatulan naman si Yasutoshi Kamata, 75, sa pagpatay sa apat na babae mula 1985 hanggang 1994, at sa isang siyam na taong gulang na babae na sumigaw nang tinangka niya itong abusuhin.