Tiniyak ng mga pinuno ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic sa publiko na magkakaroon ng malinis at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Comelec Director James Jimenez sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na pinamumunuan ni Rep. Fredenil H. Castro (2nd District, Capiz), na magsasagawa sila ng malawakang voter’s education campaign tungkol sa resibo o voter’s receipt sa tulong ng iba’t ibang media organization.

Ayon sa kanya, maglalagay din ang Comelec ng mga patalastas sa telebisyon at radyo upang mabigyan ng kaalaman ang mga botante hinggil sa proseso ng pagboto at sa pag-iisyu ng resibo sa mga botante matapos bumoto.

Sinabi ni Jimenez na kumikilos na ang Smartmatic upang maiwasan ang mga pagkakamali, kabilang ang pagpapalawig sa oras ng botohan at pagkuha ng karagdagang guro na magbabantay sa mga presinto.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

“What we can assure is it would be one of the best strategies that we have. We also plan to put posters with instructions in every polling place. We are doing our best to think of effective and creative solutions for the upcoming elections,” paniniyak ni Jimenez. (Bert de Guzman)