gold copy

MOSCOW (AP) — Makalipas ang apat na taon, matatawag na ring Olympics champion si Australian Jared Tallent.

Binaligtad ng Court of Arbitration for Sports nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang naunang desisyon ng Russian anti-doping agency na hindi isinama ang resulta ng London Games sa tatlong taong banned na ipinataw kay Sergei Kidyapkin matapos sumabit sa doping test.

Tinalo ng Russian walker si Tallent sa 50-kilometer walk finals sa 2012 London Olympics.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“I’m just very, very happy to know that I am rightfully and will be officially named as the Olympic champion from London,” pahayag ni Tallent sa panayam ng Associated Press.

“It’s something that I felt on the day and ever since when I raced. This is a victory for clean athletes,” aniya.

Binabawi na ng International Olympic Committee ang gintong medalya kay Kidyapkin, gayundin ang paghahanda sa formal awarding ceremony kay Tallent.

“As long as there’s a prompt return of the gold medal, they’ll make sure there’s a significant presentation to myself and they’ll invite the IAAF president to be there,” sambit ni Tallent.

Bunsod ng desisyon, nakuha ni Si Tianfeng (dating bronze medalist) ang silver at si Rob Heffernan ng Ireland ang bronze medal awardee.

Dinugtungan din ng Switzerland-based CAS ang parusa sa lima pang Russian athlete na napatunayan na dinoktor ang mga resulta ng doping test. Binawi rin sa Russia ang isang Olympic silver at dalawang gintong medalya sa world championship.

Ibinatay ng CAS ang desisyon sa anim na kaso sa pamamagitan ng ‘biological passport system’ kung saan nakikita ang ilang signos ng paggamit ng droga.

Iginiit naman ng RUSADA na ang suspensiyon na ipinataw nila ay batay sa taon kung kalian napatunayang gumamit ng droga ang naturang atleta, ngunit iginiit ng IAAF na ang sistema nila ay ‘selective’.

Sa desisyon ng CAS, lahat ng resulta ng mga laban ni Kirdkyapkin mula Agosto 20, 2009 hanggang Oktubre 15, 2012 ay balewala. Bunsod nito, sakop nito ang London Olympics na ginanap noong July-August 2012.

Sa naturang ruling, binawian rin ng silver medal si Russian Olga Kaniskina sa 20K walk ng London Olympics. Ang bronze medalist na si China’s Qieyang Shenjie ang tatanggap ng silver.

Binawi rin sa Russia ang dalawang gintong medalya sa 2011 world championships sa Daegu, South Korea na napagwagian nina Yulia Zaripova sa 3,000-meter steeplechase at Sergei Bakulin sa 50K walk.