Marso 26, 1953 nang ihayag sa radyo ng Amerikanong researcher at virologist na si Jonas Salk na ang pagsusuri sa unang polio vaccine, tinawag na “inactivated poliovirus vaccine,” ay naging matagumpay. Ito ay nailathala rin sa Journal of the American Medical Association makalipas ang dalawang araw.
Unang dinebelop ni Maurice Brodie noong 1930s, layunin ng bakuna na patayin ang iba’t ibang uri ng polio bago magkaroon ng mga hindi nakapipinsalang virus sa katawan ng tao.
Sinimulan ang clinical tests sa bakuna noong 1954, na mahigit dalawang milyong Amerikanong mag-aaral ang nakibahagi.
Sinundan ito ng malawakang vaccination campaign ng sumunod na taon, matapos ihayag na epektibo at ligtas ang gamot.
Nakaaapekto ang polio sa nervous system ng tao, at maaari itong mauwi sa pagkaparalisa. Sa unang bahagi ng 1900s, ang pagkukulong sa isang lugar at ang metal coffine-like na “iron lung” at natatanging paraan ng gamutan.