Punong-abala ang Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) sa kambal na international tournament -- ang 2016 Asian Dragon Boat Championships at International Club Crew Championships -- sa Puerto Princesa, Palawan sa Nobyembre 11-12.

Sinabi ni PCKF national head coach Lenlen Escollante na kabuuang 25 bansa ang inaasahang dadayo sa tatlong araw na kambal na torneo na siyang tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng isa sa kinikilalang bagong Seven Wonders of the World na Underground River.

“It will be the highlight of the celebration of Puerto Princesa’s founding anniversary of the world known Underground River in Palawan,” sambit ni Escollante.

Maliban sa dinarayong Asian Dragonboat Championships kung saan tampok ang mga karibal na bansang China, Korea at Thailand ay paglalabanan din ang 2016 Puerto Princesa International Club Crew Championships sa Nobyembre 12 at 13.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinaliwanag ni Escollante na pinaghahandaan na ng PCKF, pinamumunuan ni Jonne Go, ang programa para masiguro ang tagumpay ng torneo. (Angie Oredo)