Umaasa si Tropang Talk ‘N Text coach Jong Uichico na mapapanatili nila ang enerhiya at mataas na intensity sa nakaraang dalawa nilang laro para patuloy na buhayin ang tsansang maidepensa ang hawak na titulo sa ginaganap na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Sa unang pagkakataon, nagtala ng back- to- back win ang Tropang Texters mula noong nakaraang Philippine Cup matapos gapiin ang Rain Or Shine ,114-103,kasunod ng panalo nila sa NLEX.

“We’re still there, hopefully we can keep up the energy and the way we are playing” pahayag ni TNT coach Jong Uichico pagkaraang umangat kapantay ng kanilang biktimang Elasto Painters sa gitna ng standings hawak ang patas na barahang 5-5.

“It’s our first back-to-back since last conference.Hopefully we can get over the hump,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa four-way tie sa ikaapat na posisyon kung saan kasalo rin nila ang Mahindra at Star, may isa at kalahating larong pagkakaiwan ang Talk ‘N Text sa pumapangatlong Alaska at Ginebra na may barahang 5-3.

Susunod nilang makakalaban sa Marso 30 ang Kings kung kaya kinakailangan nilang mapanatili ang kanilang momentum.

(Marivic Awitan)