Star Hotdog Coach Jason Weeb (Bob Dungo,jr) file photo

Sa pagkalugmok ng Star Hotshots, isang katanungan ang pumukaw sa atensyon ni coach Jason Webb.

“May nagtanong sa akin. Sabi niya, coach ano ang kailangan ninyong gawin para makaahon sa inyong kinalalagyan?,”

sambit ni Webb, pagbabalik gunita sa naturang kaganapan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Some luck to go our way,” sagot umano ni Webb.

Kailangan ng Hotshots ang suwerte, higit at sa apat na kabiguan ng koponan, pawang nagtapos sa dikitang laban.

At tulad nang pamosong kawikaan ni Lola Nidora ng “Kalye Serye”, dumating ang ‘Tamang Panahon’ sa Hotshots.

Sa katauhan ni import Ricardo Ratliffe, nagkaroon ng bagong lakas ang koponan na nabigong gabayan ni Denzel Bowles, na napilitang magbalik sa Amerika para ayusin ang ilang gusot sa pamilya.

Produkto ng University of Missouri, kumana si Ratliffe sa kanyang unang salang sa 23 puntos at 13 rebound, habang kumikig na rin ang locals, sa pangunguna ni Allein Maliksi na umiskor ng 26 na puntos mula sa 6 of 6 shooting sa three-point para gapiin ang defending champion Tropang TNT, 96-88.

Sa nakalipas na tatlong sunod na panalo ng Star, sinandigan ng Hotshots si Ratliffe. Mula sa kawalan, palaban nang muli ang Hotshots sa 4-4 marka.

“Ratliffe is the major reason for our turnaround; more than anything else, he really improved our team defense,” sambit ni Webb.

Ayon kay Webb, ang panalo ng Star kontra sa TNT at Globalport, kung saan kumubra si Ratliffe ng 28 puntos at 13 rebound tungo sa 127-100 panalo, ang siyang bumuhay sa koponan.

“Ratliffe played his first game with us against TNT, and maybe they weren’t that prepared for him yet,” ayon kay Webb. “Globalport naman was missing players (Stanley Pringle and Terrence Romeo). So suwerte pa rin namin.”

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay, itinanggi ni Webbs na resulta ito ng kanyang pagpupursige na makaagapay ang

Hotshots sa kanyang ‘run-and-gun system’ at istilo sa coaching.

“It’s not about me,” sambit ni Webb.

“I think that when we started losing, it caught the players by surprise kasi di sila sanay na napagtatalo e. That drove them to work extra harder, especially on defense. Tapos dumating pa yung import so all those factors helped,” aniya.

“One win got us started and changed our whole demeanor. Suddenly everything goes from being half-empty to being half-full.”

Sa Linggo ng Pagkabuhay, inaasahang magpapatuloy ang bagong buhay ng Hotshots sa pakikipagharap sa San Miguel Beer (4-2).

“That’s part of it dahil San Miguel yon e, and we all know the amount of work coach Leo (Austria) had put in to bring them to where they are right now,” pahayag ni Webb.

“But then, no choice din kami. Kahit sino yan, we have to face them.”

Kung hindi mababalahaw, sinabi ni Webb na makakausad sila sa playoff at mas magiging matatag ang kanilang pundasyon.

“If we reach six, then we’ll go from there. Since there’s an opportunity to go up 5-4 and be behind just one game to teams with three losses, then we have to take it,” aniya.

Anuman ang kaganapan, isa lamang ang masasabi ni Webb, “Nakaahon kami”. (TITO S. TALAO)